Kanina, habang nagmamaneho papauwi, na sa Santa Monica ako makapalmpas lang ng Sawtelle ng mabangga ko ang Honda sa isang Ford Focus. Kasalanan ko. Tangina!
Pero sa isang banda, hindi naman ako nasaktan. DI ako nasugutan man lang. Sana hindi rin mag-claim yung nabangga ko na masaktan siya. Although sinasabi niya na 'di naman daw. Kaya masasabi ko na rin na salamat sa Diyos at ligtas naman kami sa panganib. Pwera lang ang Honda ko. Naaawa lang ako ke Honda at matagal na rin ang serbisyo nito sa kin.
DI bale, sana mapagawa ko siya. Sana makapagtrabaho pa ko para may maipon at mapagawa ko siya sa shop.
Thursday, May 29, 2014
Tuesday, May 27, 2014
Dumating si Bunso
Salamat sa Diyos at nakarating din si bunso ng maayos dito ng hapon sa LA. Sobra ang pinagdaanan na hirap ni utol mula pa lang sa Japan hanggang sa nakaabot na siya ng Atlanta. Sabi niya, nag-umpisa daw na nangiba ang pakiramdam niya pagkatapos kumain ng ramen sa Narita. Sa eroplano siya nagsimulang makaramdam ng panginginig sa ginaw. Nagchi-chill daw siya. Sa buong biyahe niya mula Japan hanggang sa Seattle, WA na kung saan ang entry niya, lugmok na lugmok daw siya sa panghihina pero tiniis niya yon hanggang sa makasakay na naman siya ng isa pang byahe pa-SanFo. Pagdating ng Sanfo at naka-check-in na siya sa hotel, hinang-hina pa rin si utol.
Nagpasya na siyang mag-patingin sa pinakamalapit na Ospital. Sa San Francisco General Hospital.
Duriteso siya sa ER sakay ng taxi. Siya na mismo ang nag-check-in sa sarili niya. Ang hirap no'n! Mag-isa kang magpapaospital ng wala man lang umaalalay sa 'yo. Habang hinang-hina ka sa sakit na di mo malaman kung ano.Tinawagan niya ko nung nasa ER na siya at nataranta ako nung malaman ko nga. Alalang-alala ako sa lagay ni utol. Gusto ko nang lumusob ng Sanfo. Pero tinancha ko muna kung saan ako mas makakatulong. Kung pipilitin, pwede namang pumunta talaga at bumiyahe agad-agad. Kahit iharabas ko na ang Honda. O mag-eroplano. Kahit Greyhound. Pero nirereserba ako ang mga option na yon sa mas lalong matinding pangangailangan. Dasal ko nga na sana pagaangin naman ng Diyos ang hirap ni utol.
Awa ng Diyos at natingnan na siya sa ER. Peor hinang-hina pa rin siya. Sa hotel na siya nagtiis ng hirap ng pananakit ng tiyan, lagnat, suka't tae. Alam kong matindi ang will power ni utol na iraraos niya 'to pero dama ko ang hirap na pinagdadaanan niya. 'Di nga ako makatulog 'dis oras na ng madaling-araw sa kaiisip kung anong lagay niya. Sabi ko sa kanya, 'wag na muna siyang kumain kahit ano. Daanin niya sa Gatorade, saging, apples at crackers na lang muna. Ganun na nga ang kinakain niya. Pero hinang-hina siya sa sakit. Humihilab na nga daw ang tiyan niya sa kakatae.
Tiniis niya lahat' ito. Sabi ko pa, subukan niya rin ang 7-Up at crackers. "oo nga 'no!" sabi pa niya. Yun kasi ang remedyo ng Mama namin noon kapag may ganitong karamdaman kami noon. Sinubukan ni Bobet yoon. Mga ialng araw pa, sinubukan niyang lumabas ng kwarto at umikot-ikot sa paligid. Sabi ko tumingin siya ng makakaing lugaw man lang o prutas.
Subscribe to:
Posts (Atom)
