- St. Augustine
Thursday, June 18, 2009
Greed
Greed will demand of you labor, danger, hardships, and troubles, and you will readily agree to its demands. And for what purpose? So you can have what will fill up your purse but empty out your peace of mind!.
Friday, June 5, 2009
J.S. Bach - Air in G (Suite no. 3 in D)
First year college pa lang ako sa Mapua nung na-introduce ako sa sa pyesang ito. Actually, nakilala ko ito thru Action Singers ng UST. Lalaban ang UST-AS sa NAMCYA nung taong yon at napakaraming pyesa ang ilalaban nila to compete. At isa ang "Air" sa mga ilalaban. Hinatak ako ni John Catipon, isang kaibigan na member din ng AS. Kulang daw sila ng bass. Nung umattend na nga ako, binigyan kami ni Rolly ng tig-iisang pyesa at itinuro niya nga ang "Air".
Sumakit ang batok ko dahil napaka-komplikado ng areglo ng bass. Pero langit kung pakikinggan. Para kaming lumulutang literally sa pagkakaayos. Pero para makumbinsi kami ni Rolly kung papaanong effect talaga ang gusto niyang gawin namin,..sinalang niya ang tape at pinarinig sa 'min ang "air".
Awa ni phantom,..nanalo kami ng 2nd sa NAMCYA na ginanap sa CCP nung mga early 80s.
Hanggang sa matimbog ko sa youtube ang pyesang ito na tinira sa gitara ni Paulinho Nogueira.
At naiyak ako.
Cavatina
Una kong narinig ito sa radyo sa isang classical radio station sa maynila noong 2nd year high school pa ako. Wala lang. Napagtripan ko lang na makinig ng kaka-iba. Medyo naririndi na ko sa mga alingawngaw ng mga radio stations sa tin nung mga panahong yon. Puro na lang ingay. Tamang-tama naman nang isang araw isang hapon, nagtatamad ako sa kwarto't nagsa-sound trip sa FM dial, at nasagi ko nga ang FM station na to. Nakalimutan ko na kung anong FM station yon. Basta, ang alam ko e yon lang ang kaisa-isang classical station sa maynila.
Hanggang sa sinalang nga ang pyesang ito.
Unang hirit pa lang ng tiklado, parang kinurot agad ang isang major artery ng puso ko. Lahat na yata ng nerves ko na related sa pang-dinig e nakatutok sa pagkaganda-gandang pyesang ito. Natimbwang ako! Parang ayokong matapos ito.
Nung natapos na, maingat kong pinakinggan ang sasabihin ng DJ. Sana kako, sabihin niya ang detalye ng kanta na to at baka kung suswertehin e mahanap ko sa Raon.
Amfota, sinabi nga!
Cavatina. By Stanley Myers.
Pero dahil sa labo ng reception,..hindi malinaw ang pagkakasabi o pagkakarinig ko.
So halos buong araw akong nakinig na umaasang sasabihin nila ang phone numbers nila kung sakaling mayroong gustong mag-request.
Awa ng diyos, sinabi nga ang number at agad kong tinawagan. Pinaliwanag ko yung pinatugtog nila. Kako, isang guitar piece na solo. Masaya ko finally.
Halos araw-araw, pinatutugtog nila ito. Pero di ko makita ang record o tape nito sa Raon, sa Syvels, Sa National bookstore, Avesco, at sa kung saan saan pa. E kung makikita niyo naman kung sino ang nakatayo sa likod eskaparate ng mga tindahan na 'to e maiintindihan niyo na talagang di nila malalaman kung ano ang hinahanap ko. Tipong pa-baduyan lang ang alam nila. Sorry po.
Nagkasya na lang akong i-tape ito sa cassette. Hanggang sa naluma't kinain ang tape.
Halos tatlumpung taon na yon.
Hanggang sa dumating ako sa amerika, isa ito sa mga hinanap ko sa record stores. As useless, gaya ng dati, walang may alam. Tipo pang grunge ang tindero sa Tower Records. Hanggang minsan, nanonood ako ng mga classic films sa tv. Robert De Niro. 70s. Deer Hunter. As usual, captured na naman ako. Ang galing ng lineup sa cast: Robert De Niro, Meryl Streep, Christopher Walken, etc.
At one point sa buong pelikula, tinugtog nga ang Cavatina. Anakngputa. Parang gusto kong ihagis ang TV ko sa kapitbahay sa tuwa! At nagkaroon na ako ng idea kung papaano ko mahahanap ang Cavatina. Sa SOUNDTRACK ng Deer Hunter!
Awa ni phantom, meron na akong kopya sa wakas.
At sa kagalingan ng youtube,... napanood ko pa kung sino si John Williams.
At nakumpleto na rin ang kalangitan.
Subscribe to:
Posts (Atom)
