Thursday, May 29, 2014
Nabangga ko ang Honda @#$%*!!
Pero sa isang banda, hindi naman ako nasaktan. DI ako nasugutan man lang. Sana hindi rin mag-claim yung nabangga ko na masaktan siya. Although sinasabi niya na 'di naman daw. Kaya masasabi ko na rin na salamat sa Diyos at ligtas naman kami sa panganib. Pwera lang ang Honda ko. Naaawa lang ako ke Honda at matagal na rin ang serbisyo nito sa kin.
DI bale, sana mapagawa ko siya. Sana makapagtrabaho pa ko para may maipon at mapagawa ko siya sa shop.
Tuesday, May 27, 2014
Dumating si Bunso
Tinawagan niya ko nung nasa ER na siya at nataranta ako nung malaman ko nga. Alalang-alala ako sa lagay ni utol. Gusto ko nang lumusob ng Sanfo. Pero tinancha ko muna kung saan ako mas makakatulong. Kung pipilitin, pwede namang pumunta talaga at bumiyahe agad-agad. Kahit iharabas ko na ang Honda. O mag-eroplano. Kahit Greyhound. Pero nirereserba ako ang mga option na yon sa mas lalong matinding pangangailangan. Dasal ko nga na sana pagaangin naman ng Diyos ang hirap ni utol.
Awa ng Diyos at natingnan na siya sa ER. Peor hinang-hina pa rin siya. Sa hotel na siya nagtiis ng hirap ng pananakit ng tiyan, lagnat, suka't tae. Alam kong matindi ang will power ni utol na iraraos niya 'to pero dama ko ang hirap na pinagdadaanan niya. 'Di nga ako makatulog 'dis oras na ng madaling-araw sa kaiisip kung anong lagay niya. Sabi ko sa kanya, 'wag na muna siyang kumain kahit ano. Daanin niya sa Gatorade, saging, apples at crackers na lang muna. Ganun na nga ang kinakain niya. Pero hinang-hina siya sa sakit. Humihilab na nga daw ang tiyan niya sa kakatae.
Tiniis niya lahat' ito. Sabi ko pa, subukan niya rin ang 7-Up at crackers. "oo nga 'no!" sabi pa niya. Yun kasi ang remedyo ng Mama namin noon kapag may ganitong karamdaman kami noon. Sinubukan ni Bobet yoon. Mga ialng araw pa, sinubukan niyang lumabas ng kwarto at umikot-ikot sa paligid. Sabi ko tumingin siya ng makakaing lugaw man lang o prutas.
Sunday, June 24, 2012
Birthday Ng Mama Ko Ngayon
Birthday ng Mama ko ngayon. Na kung sana ay susunduin ko siya sa bahay para magsimba ng kasama siya. Aalayan sa siko o sa braso sa kanyang paglalakad. Medyo nirereklamo niya kasi ang tuhod niya noon. Habang naglalakad kami, na ako na nasa tabihan niya, e di maikakaila ang laki ng ini-liit ng Mama. Sa haba ng panahon at mga taong iginugol niya sa pakikibaka sa buhay. Pakikibakang nagmula pa ng siya'y dalaga pa. Maliliit pa kami ng kapatid ko, nakikita ko pa noon kung paano niya kinakalakal ang kahit na anong pamamaraan ng ikabubuhay maipang-dugtong lang sa gagastusin sa bahay. Lahat ng kanyang ginagawa, kalakal man o hindi ay marangal. Maipagmamalaki. Walang-halong pang-gugulang sa kapwa. Kahit bitbitin pa niya ang isang dosenang mabibigat na libro ng Time-Life magmula sa trabaho hanggang sa bahay o kung saan mang lupalop na may bibili nitong mahahalagang aklat, mapa-bus, taxi o tricycle, iraraos niya yon para lang may maipang-dugtong sa kakainin, gagastusin sa bahay.
Hindi naming magkakaptid naramdamang magutom. Dahil kasama ng Papa, dinala yon ng Mama.
Bibili ako ng maliit na paborito niyang cake.
sixty-seven years old na sana ang Mama.
Tuesday, May 10, 2011
Ang Bangko ng aking Ina
Nagpunta ako hindi para samahan siya para mag-ATM.
Nagpunta akong mag-isa this time. Kaninang hapon. Wala kasi akong pasok. Matagal ko nang gustong asikasuhin ito para matapos na. Nagpunta ako para tapusin at isara na ang account ng Mama sa B of A.
Nilapitan ko ang isang staff/banker doon, si Tony, at inasikaso niya naman agad. Sinabi ko na isasara ko na ang account ng nanay ko dahil namantay na siya noong nakaraang Marso. "I'm sorry to hear that" 'ika niya.
Hiningi niya ang ilan sa mga dokumento para ayusin ito. Death certificate. CA ID ko. Ibinigay ko rin sa kanya ang print out ng Estate form na natatakan ng Notary Public.
Sandali pa'y sinabi niya na kung magkano ang makukuha ko sa account ng nanay ko. Hindi kalakihan.
Habang nangyayari ito, may nararamdaman akong bigat sa loob. Masakit na kirot na parang ayaw bumitaw ng kirot sa dibdib ko. Napakasakit. napakabigat sa loob.
As in literal na mabigat. Para bang may nakapatong na bato sa dalawa mong balikat. Parang may nakadagan sa loob ng baga mo. Mabigat. Mabigat kasi ginagawa ko ito hindi para sa akin kundi para sa nanay ko. Sa kanyang pera ito. Hindi ito kalakihan pero pera niya ito. At kanya ito. Ito na lamang ang nagpapatunay na ito ang mga iilang mga bagay na huli niyang naiwan. Hikahos din ang mama ko. Salat din siya sa pera. Kaya napaka-laking halaga nito para sa kanya para mawala ang mga ito. Para maiwan niya. Sabi ko sa sarili ko: hindi ko ito gagalawin.
Masakit, lalo na sa mga oras na ito, na isinusulat ko. Aaminin ko,.. nangungulila ako.
Kung pwede lang umiyak maya't maya. Dahil nahihirapan na ako. Naaalala ko siya palagi. Lagi siyang laman ng isip ko lalo na sa mga pagkakataong napapag-isa ako. Nami-miss ko ang boses niya. Nami-miss ko ang kakulitan niya. nami-miss ko ang kalinga niya na nakagisnan ko hanggang sa hui niyang hininga.
Ako ang panganay niya.
Na naniniwala akong sa akin niya unang lubos na naramdaman ang tunay na ligaya ng pagiging ina. Naramdaman ko ang mga 'yon dahil nadarama ko ang mga ito noon pa. Iba siyang magpakita ng pagmamahal. Hindi niya ito sinasabi ng madalas. Ipinapakita niya na lamang. Na kung minsan, sa sobrang pagmamahal niya sa 'kin, may tendency siyang maging maramot sa iba. Pinipili niya ang mga taong makakasalamuha ko. Magmula nang ako'y maliit pa, sinasabihan niya ako kung sino ang dapat kong kaibiganin. Inilalayo niya ako sa pahamak.
Hanggang sa mag-asawa na ako. Ito na siguro ang pinaka-malaking pabigat ko sa nanay ko. Dahil hindi niya kasundo si D.
Pero ang bigat.
Nangungulila na ako sa boses niya. nangungulila na ako sa kalinga niya.
Nangungulila ako sa kanya.
Mahal kong ina,... nasa'n ka na?
Kung ako'y karapat-dapat nang sumunod sa 'yo kung sa'n ka man naroroon, gumawa ka ng paraan at isama mo na ko. Nabibigatan at napapagod na rin ako sa mundong ito.
Wednesday, March 31, 2010
where's the shellfish?
It must have been cold in Lake Tahoe right now. But I miss the place. I went there the last time with my summer, after thirteen years since I left Reno.
The bird pictured above was in Lake Tahoe shore.
Nakaka-miss ang lugar na yon.
Tuesday, March 30, 2010
My old Nikon F
I love old stuff. More so the great old ones. the ones that makes the grade. The pioneers. The old trailblazers. And Nikon F is one of them. Nikon F started the SLR world. IT is the grand-daddy of 'em.
Now as the world is saturated with DSLRs, everything digital and all, I somehow still felt the warmth of every winding of the film and the sound of the clicks in every shot of the old SLRs. Like any vintage cars in their prime, and any human for that matter, my Nikon's got some tiny dents and scratch all over. But that's the beauty of the old stuff. I see them as a scar of experiences through the years of living capturing the moments of life.
And my 'ol Nikon gives that to me. He's gonna be my buddy for the long haul.


