Hanggang sa sinalang nga ang pyesang ito.
Unang hirit pa lang ng tiklado, parang kinurot agad ang isang major artery ng puso ko. Lahat na yata ng nerves ko na related sa pang-dinig e nakatutok sa pagkaganda-gandang pyesang ito. Natimbwang ako! Parang ayokong matapos ito.
Nung natapos na, maingat kong pinakinggan ang sasabihin ng DJ. Sana kako, sabihin niya ang detalye ng kanta na to at baka kung suswertehin e mahanap ko sa Raon.
Amfota, sinabi nga!
Cavatina. By Stanley Myers.
Pero dahil sa labo ng reception,..hindi malinaw ang pagkakasabi o pagkakarinig ko.
So halos buong araw akong nakinig na umaasang sasabihin nila ang phone numbers nila kung sakaling mayroong gustong mag-request.
Awa ng diyos, sinabi nga ang number at agad kong tinawagan. Pinaliwanag ko yung pinatugtog nila. Kako, isang guitar piece na solo. Masaya ko finally.
Halos araw-araw, pinatutugtog nila ito. Pero di ko makita ang record o tape nito sa Raon, sa Syvels, Sa National bookstore, Avesco, at sa kung saan saan pa. E kung makikita niyo naman kung sino ang nakatayo sa likod eskaparate ng mga tindahan na 'to e maiintindihan niyo na talagang di nila malalaman kung ano ang hinahanap ko. Tipong pa-baduyan lang ang alam nila. Sorry po.
Nagkasya na lang akong i-tape ito sa cassette. Hanggang sa naluma't kinain ang tape.
Halos tatlumpung taon na yon.
Hanggang sa dumating ako sa amerika, isa ito sa mga hinanap ko sa record stores. As useless, gaya ng dati, walang may alam. Tipo pang grunge ang tindero sa Tower Records. Hanggang minsan, nanonood ako ng mga classic films sa tv. Robert De Niro. 70s. Deer Hunter. As usual, captured na naman ako. Ang galing ng lineup sa cast: Robert De Niro, Meryl Streep, Christopher Walken, etc.
At one point sa buong pelikula, tinugtog nga ang Cavatina. Anakngputa. Parang gusto kong ihagis ang TV ko sa kapitbahay sa tuwa! At nagkaroon na ako ng idea kung papaano ko mahahanap ang Cavatina. Sa SOUNDTRACK ng Deer Hunter!
Awa ni phantom, meron na akong kopya sa wakas.
At sa kagalingan ng youtube,... napanood ko pa kung sino si John Williams.
At nakumpleto na rin ang kalangitan.

No comments:
Post a Comment