Friday, April 10, 2009

My First Birthday


P4103200, originally uploaded by bot2008.

Walang kamuwang-muwang.
hindi ko na rin matandaan ang nararamdaman ko noong araw na 'to. Malamang, may mga taong pilit akong pinangingiti dito kaya naman todo bigay ang ngiti ko dito. Malay ko ba kung anong okasyon 'to.

Parang ang sarap pag-tripan; hukayin sa kinasusuluk-sulukan ng aking pagkatao ang mga pakiramdam at ala-ala sa araw na ito. Ang isang sigurado ako ay ako lang ang anak ng mga magulang ko nang araw na ito. Simple lang ang buhay. Mahal na mahal ako ng aking ina at ama. Bata pa sila. Kumpleto pa kaming mag-anak.

Peor ngayon,... kami na lang ng aking mama. Matagal tagal na ring wala sa aming piling ang aking Papa. Yumao na siya noong '93.

darating ang panahon,... magiging kahawig na rin ng larawan na ito ang aking kaarawan. Nag-iisa.

No comments: